TRASH TALK : JULY 4, 2013

 egyptSobrang lakas ng impact sa buong mundo ng pagpapababa sa puwesto ng Militar  kay Egypt President Morsi, sa sobrang lakas  nga kahit si ERAP muntik na namang bumaba sa puwesto..

oOo

 manny“Laos na si Pacman!”  ito ang sagot ni Mayweather jr ng tanungin ng isang fan kung bakit ayaw niyang labanan si Pacquiao.  Hindi na umaaray si Pacquiao sa ganitong parinig ni Mayweather, salamat sa Alaxan FR…

 oOo

mayweather jr

Madali lang naman maintindihan kung bakit laging tinatakbuhan ni Mayweather Jr ang hamon ni Pacman, tingin ko nasa suot niyang sapatos ang kasagutan,  running shoes ang gamit niya…

oOo

photo from abs-cbnnews.com

photo from abs-cbnnews.com

Tawagin mang Queen of all Media ng Philippine TV si Kris Aquino,  hindi pa rin niya mapapantayan ang  husay sa pagsasalita ng nag-iisang Queen of all Media sa America,  matalas ang dila, hindi, hindi si Oprah,  si Mayweather Jr ang nag-iisang Queen of all Media…

 oOo

photo from pep.ph

photo from pep.ph

Pinaghahanap ngayon ang dating  comic book artist na si Carlo J. Caparas dahil sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).  Una rito, sinabi ni Caparas na nakapagfile na sya pero nakita sa records na hindi pa, nainis na ang BIR Commissioner dahil drawing kausap si Caparas .

oOo

filipinasNaging malaking issue ang panukala ng Komisyon ng Wikang Filipino na palitan ng F ang letter P  sa Pilipinas, maramni raw matatanda ang malilito,  at mahuhulog ang Pustiso…

 oOo

PHOTO FROM BOMBORADYO

PHOTO FROM BOMBORADYO

Pinagiisipan pa rin ng pangulo ang nasabing panukala,  maganda ba sa pandinig niya kung may sisigaw sa kanya ng FNOY?

oOo

photo from inquirer.net

photo from inquirer.net

Hati rin ang senado na Gawing F ang P sa Pilipinas.   Ayon kay Sen Tito Sotto, pabor siya sa F dahil noon pa man ay ginagamit na ang F sa paaralan,  ito ang lagi niyang nakikita sa classcard niya …

Posted in TRASH TALK | Tagged , , , , , , , | Leave a comment

TRASH TALK: JULY 2, 2013

dzmm.com.ph

dzmm.com.ph

Sa unang araw ni Erap as Manila Mayor, nangako siyang hindi niya pahihintulutang may corrupt sa City Hall,  sa pangalawang araw, hindi na siya nakita sa City Hall..

oOo

Photo from OCD

Photo from OCD

Inilunsad kahapon ng Department of National Defense (DND) ang National Disaster Consciousness Month o buwan na binabagyo ang bansa.  Dahil dito,  nakitang naghahanda na rin ang ilang Politiko sa pagdating ng Bagyo,  may mga nagprint na ng mga mukha nila sa lata ng sardinas..  

oOo

abs-cbnnews.com

abs-cbnnews.com

Gumawa  ng ingay ang kissing scene ng magpinsang Georgina Wilson and Isabelle Daza sa Instagram.   Maraming nagsasabing paraan ito ng mga hindi napapansing Celebrities.  Na sinang-ayunan naman ni Madam Auring at nagsabing  “Pasalamat kayo wala na akong pinsan”   

oOo

 from youtube kodao phils

from youtube kodao phils

Last Saturday, winasak ng Buhawi ang mga bahay sa Quezon Province. Isang residente ang napasigaw na lang ng “Diyos ko, huwag nyo kamng padalhan ng Buhawi,   MMDA na lang!”

oOo

Kinampihan tayo ng US laban sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea,  kaya asahan nating hindi  tatanggapin ng China si Binay para makipag-usap sa bibitaying pinay,  ayaw nilang makita ng personal si Obama..

oOo 

abs-cbnnews.com

abs-cbnnews.com

Nagkasundo naman ang kampo ni Kris Aquino at James Yap regarding  visitation agreement,   payag na si Kris  bumisita si James kay Bimby,  lalo na sa mga araw na may lakad sila ng italian Girlfriend …

oOo

pep.ph

pep.ph

For the past few weeks,  mas naappreciate pa raw ni Kris Aquino ang tatay ni Joshua kaysa sa tatay ni Bimby.  Well, kung naappreciate daw ni Kris si Phillip,  mas naappreciate naman ni  James si Hope..

oOo

newsflash.org

newsflash.org

Kabaligtaran naman ni  PNOY  na nagsabing  “pareho ko pong naappreciate ang  Phillip at Hope..

 

Posted in TRASH TALK | Tagged , , , , , , , | Leave a comment

TRASH TALK : JUNE 25, 2013

photo from dzmm.com.ph

photo from dzmm.com.ph

Mukhang baligtad na ang mundo natin,  pumangatlo daw ang Pilipinas sa mga bansang nanganganib sa mga sakunang dulot ng climate change, ayon sa World Bank (WB).  Samantala, humina ang Palitan ng Piso kontra dolyar, ayon naman sa PAG-ASA…

 oOo

philstar.com

Pabor ba kayo sa mungkahi ng MMDA na  magkaroon ng zipper lane during Rush Hour sa EDSA?  Sa akin okay lang,  Huwag lang may mabanggang delivery truck ng  itlog.  Mahirap maipit ang mga itlog sa zipper lane… at sasakit ang ulo ng driver… 

oOo

photo from dzmm.com.ph

photo from dzmm.com.ph

Pina-recall na ang sangkot sa Sex for Flight sa Riyadh na si  Antonio Villafuerte, itinanggi niya ang akusasyon  at sinabing “sasagutin ko po lahat ‘yan sa tamang oras, tamang lugar at pagkakataon.”  teka, ganito  ako sinagot ng bugaw sa Quezon Ave nang magtanong ako ng presyo kahapon ah…

oOo

Ayon kay DOH-National Capital Region (NCR) Head Dr. Eduardo Janairo, magsasagawa sila ng disinfection at space spraying operations sa mga Bus Terminal sa Maynila para kontra dengue.  Magandang warning ito,  para sa mga lamok na nagbu-bus galing probinsya…

  oOo

Photo from dzmm.com.ph

Photo from dzmm.com.ph

Sa nakalipas na 15th Congress,  si Representative Mikey Arroyo ang may pinakamaraming absences without notice.   Samantala,  hawak naman ni Sen. Lito Lapid ang pangunguna sa Senado bilang unnoticed…

 

Posted in TRASH TALK | Tagged , , , , , , , , , | Leave a comment

TRASH TALK : JUNE 24, 2013

BBC.CO.UK Ayon sa PAG-ASA,   ang makapal na usok o Hazardous haze na nanggagaling sa Indonesia ay hindi na aabot sa Pilipinas.  Ang makapal na usok na nakikita natin ngayon ay nangagaling kay PNOY during yosi break…

 oOo

GMANETWORK.COM AI AIKinumpira  ni AI-AI Delas Alas na mga PNP escort ang kasama niya sa hearing nila ng dating asawang si  Jed Salang,   at least  hindi sila ibinili ni AI-AI ng sariling Police car..

 oOo

photo from Lionheartv.net

photo from Lionheartv.net

Nakakatuwang makita ang mga kasali  sa Mr & Ms Chinatown Philippines 2013,  half chinese, half pinoy sila,  sa talent competition, isang contestant ang nakipag-agawan ng lupa sa sarili niya..

 oOo

Inquirer.net

Inquirer.net

Marami ang  nagulat at di makapaniwala sa P1.36 Million phone bills sa Office ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang,  sinubukan siyang tawagan para mag explain pero hindi na tinuloy,   baka umabot pa ng P5 M ang bill sa haba ng explanation..

 oOo

chariceKahapon sa The Buzz, muling humingi ng paumanhin si Charice at inamin na hindi pa rin maaayos ang relasyon niya sa kanyang pamilya,  pero gagawa daw siya ng paraan para maayos. Sa ngayon,  inuuna lang daw munang ayusin ni Charice ang buhok niya…

oOo

Pakiramdan ni Charice one-sided ang kanyang Mommy,  tingin naman ni Mommy Raquel  one-sided ang hair style ni Charice…

 oOo

photo from gmanetwork.com

photo from gmanetwork.com

Ibinida naman ni Charice ang pag Duet nila ni Aiza Seguerra sa concert nito sa Makati City last Friday,  napuno ng palakpakan ang buong concert,  yung tipong hindi na binigyan ng audience ng pagkakataon na magdrama pa si Charice… 

 oOo

May mga audience daw ang na-inspire kay Charice at Aiza  kaya nag out din ng oras na yon,  after 10 minutes,  tatlong tao na lang  ang natira sa audience.. 

oOo

photo from dzm.com.ph

photo from dzmm.com.ph

Inalok daw  ni Sen Bongbong Marcos si Sen Bong Revilla na makatambal sa Presidentiables 2016?  At pinag iispan daw ni Bong ang alok!  Hindi ako makapaniwala!  Si Sen Bong Revilla kayang mag isip?

 

 

Posted in TRASH TALK | Tagged , , , , , , , | Leave a comment

TRASH TALK: JUNE 21, 2013

HEAT VS SPURS

photo from fansided.com

Maganda ang laban kanina ng Miami Heat at San Antonio Spurs. I’m sure nakapanood sa TV ang lahat,  kahit si Marco Morales… 

oOo 

photo from sports.inquirer.net

photo from sports.inquirer.net

Natalo ang San Antonio Spurs dahil hindi raw maganda ang laro ni Tony Parker,  sayang kung maganda maglaro ang kailangan nyo,  dapat  si Jason Collins ang kinuha nyo… 

oOo

kris

photo from pep.ph

Samantala, pinagsabihan ng Abogado ni James Yap si Kris Aquino na “Stop the drama, simple lang gusto ni James!” dahil dito ay nagtaas ng kilay ang mga fans ni Kris at sumagot ng “hello,  kailan pa natuto sa drama si Kris?”

 oOo

955-huwag-ka-lang-mawawala-premieres-this-june-17-monday-400x252Nanood ako ng drama series na Huwag Ka Lang Mawawala at  aaminin kong tumulo sobra ang luha ko!  Hindi naman siya nakakaiyak, naalala ko lang bigla kung paano natalo ang San Antonio Spurs….

 oOo

May explanation bang bago ang science sa evaporation?  Napapansin ko lang madalas,  pag tumataas ang gasolina,  bumabagsak naman ang ulan…

Posted in TRASH TALK | Tagged , , , , , , , , , | Leave a comment